inside looking out

Monday, July 23, 2007

batibot

nung sabado (sabado nga ba?) napanood ko sa kapuso mo jessica soho yung segment nya tungkol sa batibot. naalala kong pinapanood ko yun nung bata pa ko pero ang hindi ko alam eh talagang fanatic pala ako sa batibot noon. kilala ko pa ang halos lahat ng character ng batibot. mula kay kiko matsing, pong pagong, ate sienna at kuya bodjie. it's like wow! after a long time nakita ko uli silang lahat. simulan na ang reminiscing.

eto ang listahan ng mga kabisado ko pang kanta sa batibot. note, wala akong kodigo ng lyrics ngayon kaya pagbigyan nyo na ko kung may mga mali:

opening theme:

pagmulat ng mata laging nakatawa sa batibot, sa batibot
tayo nang magpunta, tuklasin sa batibot ang tuwa, ang saya
doon sa batibot tayo na tayo na
mga bata sa batibot maliksi masigla
doon batibot tayo na tayo na
mga bata sa batibot.... maliksi..... masigla

ako ay kapitbahay:

ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo
laging handang tumulong sa inyo
kilala nyo ako, kilala nyo ako
ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.
(repeat)

alin ang naiba:

alin alin alin ang naiba
isipin kung alin ang naiba
isipin isipin isipin kung alin
isipin kung alin ang naiba

eto hindi lyrics pero eto lagi yung mantra ni manang bola tuwing may gusto syang itanong sa perlas nya.

perlas na bilog wag tutulog-tulog
sabihin na sa kin ang sagot
ba... be-bi... bo-bu

miss ko na ang batibot. sana magkaroon uli ng palabas na ganito ang tema at kalibre para may mapanood naman na maayos ang mga magiging anak ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home