excited ng umalis
sa wakas matatapos na ang term ko dito. may terminal leave pa kong pwedeng i-avail so lalong napaaga ang pag alis ko. wala naman akong pinagsisisihan. hindi lang talaga ako para sa pagsusundalo.
taong 2004, nag-check ako ng email ko at gaya ng dati, marami na namang laman. chain emails, spam messages tsaka job alerts. binura ko yung mga walang wentang emails tsaka tinignan yung job alerts. magdadalawang taon na kong walang maayos na trabaho. pakiramdam ko wala akong kwenta. pero eto may job alert ako. programming trainee. inuna ko pag tignan yung qualifications kesa sa kung anong company ba yung naghahanap. ang totoo nyan, wala na kong pakialam sa company. importante magkatrabaho ako. pasado ako sa qualifications nag apply ako. pagkatpos ng isang linggo, check uli ako ng email at iyun, shortlisted ako sa in-apply-an ko. pinapapunta ako para sa IQ test. ngayon ko naisip tignan kung anong company ba yun. ARMY MANAGEMENT INFORMATION CENTER. wow! parang ayoko kasi bata pa lang ako wala na sa plano kong magsundalo o pumasok sa institusyon nito. pero dahil nga sa wala akong trabaho, sumugod na rin ako.
pagpunta ko sa gate ng kampo, ang daming military police lahat may dalang baby armalite. great! pasok ako sa AMIC. nag-test. maghintay na lang daw uli ng tawag kung pasok ba kami sa cut-off. kasi sampu lang ang kukunin pero 600 kaming aplikante. nanghina ako. napakakonti ng kukunin. mahihirapan ako nito. pagtapos ng ilang araw, tinawagan ako at pinapabalik sa AMIC. pasok ako sa cut-off. ayus to. pagbalik ko sa AMIC, binigyan ako ng libro. textbook. 600 pages. kailangan kong tapusin within 3 days. bale tungkol sa java programming yung libro. sa loob din ng tatlong araw na iyon, kailangan kong gumawa ng isang java application. patay na. dito na ko matatapos. pero sinubukan ko pa rin. isip ako ng isip kung anong application ang maganda. sundalo ang titingin ng gawa ko. kailangan attractive sa kanila ang app ko. tama, game app ang gagawin ko. anong game? lotto. mahilig ang pinoy sa lotto. gumawa ako ng game app na nagco-compute ng probability ng number na tinayaan mo sa lotto na manalo ng jackpot. mathematician ako kaya madali lang sa kin yun. instant hit ang game app ko kahit hindi tapos. pumasa din ako sa technical interview. sa madaling sabi, natanggap ako. out of 600, napasama ako sa sampu. may trabaho na ko.
ngayon patapos na ko dito. excited na ko. pero oo, pinaghirapan ko pa rin ang pagpasok ko dito. hindi ito isang bagay na inabot lang sa kin. oo naging masaya ako dito pero masaya din ako na aalis na ko dito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home